Saturday, February 19, 2011
General "walang alam"
Nung dumating ako galing sa mahabang byahe, sinalubong ako ng balita, tungkol ito sa hearing ng mga anomalya sa militar lalo na sa mga malalaking posisyon. Isa sa na imbitahan ay si Gen. "walang alam" na isang dating comptroller ng militar. Isa sa mga tanong ng senador kung san galing ang mga yaman nila at yaman ng kanyang asawa, wala siyang maisagot kundi di nya alam. Ano ka ba nya? asawang walang pakialam? O ganun ka na ba ka busy sa trabaho mo para di mo alam ang mga ibang pag mamay-ari ng asawa mo. Isa pa, sa napakaraming lakad ng asawa nya sa ibang bansa, ang ilan dito ay hindi nya alam. Pano nangyari yun? Di mo ba hinahanap pag di umuuwi ang asawa mo sa bahay nyo? O siguro naman busy ka na naman sa trabaho mo? At Paano kayo nagkaroon ng napakaraming ari arian samantalang ang sahod mo ay magkano lang? Sana naman General "walang alam" makonsensya ka naman sa mga ginagawa mo. Dumaan ka rin sa mababang position sa militar at alam mo ang mga kelangan nila, ang dapat na binibigay na benipisyo sa kanila ay kinukuha lang ninyong mga Heneral. Huwag mo ng hintayin ang KARMA.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Parang napanood ko din tong hearing na tong tanungan portion sa senado. Habang nagtitiis ang mga rank in file na militay natin sa panaganib na dala ng trabaho nila,Yung mga nasa mataas palang posisyon nagpapasasa sa pondo, buy dito buy dun, travel dito travel everywhere. God have mercy on us.
ang bibigat nito ah!
Post a Comment