Wednesday, March 2, 2011
Lasing Nasagasaan
Nung pauwi na ako sa bahay kasama ng gf ko, biglang huminto kami dahil may nasagasaan na tao. Gusto naming tumulong kasi wala pang nag rescue at total isang nurse naman si gf, kasama yan sa sinumpaan nila. Habang siya ay busy sa pag first aide, ako naman ay tumatawag sa 911 at nakikibalita sa nangyari. Isa pa lang lasing ang biktima. Sabi nung nakakita, halos di na raw makalakad siya habang tumatawid dahil sa kalasingan. Mabagal naman daw ang takbo ng jeep na nakasagasa. Ganito daw ang nangyari... habang ang biktima ay tumatawid sa kalye, isang jeepney ang dumaan na mahina ang takbo at sa pagtawid nawalan ng balanse ang biktima na kadahilanan na napaatras siya at aksidenteng nasagasaan ng jeep.
Kawawang driver. Sa palagay ko, wala naman talaga siyang kasalanan dahil mabagal ang takbo nya at ang lasing na biktima ang nawalan ng balanse. Pero wala siyang magagawa dahil siya talaga ang sasagot sa mga gastusin sa hospital.
Sa biktima. Isang aral tuloy ang napulot mo. Sana sa susunod kung iinom man ay dapat alam mo ang iyong limitasyon lalo na pag malayo pa ang uwian mo. Pasalamat ka mabagal lang ang takbo ng nakasagasa sa iyo at buhay ka pa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
The first human killer is traffic accident...
Post a Comment