Manyana Habit
Ito ba ang rason kung bakit ang Pilipinas ay di umaasenso?
Ito ba ang isang ugali ng pinoy?
Bakit kaya tayo ganun?
Inaamin ko isa ako sa mga taong ‘yon. Alam ko na hindi maganda ang ugali kong yan. At matagal ko na rin gustong bagohin. Pero napakahirap talaga, bumabalik at bumabalik pa rin.
Ano kaya ang dapat kong gawin para tuluyan na itong mawala?
Minsan, naiinis din ako sa mga taong may ganoong ugali. May kasabihan naman tayo na “ tingnan muna natin ang sarili bago tayo humusga sa ibang tao”. Pero hindi ko talaga mapigilan na magalit sa iba. Isa na rito ang COMELEC, malapit na ang eleksyon at hanggang ngayon ay napakaraming problema pa rin tayong nakikita sa proseso ng botohan. Napakataas ng panahon na dapat nilang nilaan para sa paghahanda. Akala siguro nila na ganun kadali ang ipinatutupad nilang automated eleksyon. Isipin man natin, lumalabas pa rin ang pagiging Manyana Habit nila. Kung hindi man, wala sanang mga problema ngayong nakikita ilang araw bago ang eleksyon kasi makikita na yan ng maaga pa sana. Pero wala na tayong magagawa, nandiyan na yan. Dapat manalig na lang tayo sa pinapaasa ng COMELEC na magiging malinis at matiwasay ang darating na eleksyon.
Isa pa lang yan sa napakaraming taong mayroong Manyana Habit. Aasenso kaya ang pilipinas kung mawawala ang katangiang pinoy na yan? O isa lang siya na makakatulong?
4 comments:
Hay naku sarap kasi mag petiks e. haha. Alam mo friend makokonsome lang talaga tayo jan sa mga tactics ng mga taong nasa posisyon. I don't know the only thing that we can do now is to pray for this country for the the benefits of all.
'manyana habit' is part of a person's ethics and values. it is developed. and the only one who can change that habit is the person himself. but first, he has to want to change it. but sometimes, a person is just simply too lazy to bother and change a habit that he believes is not doing him any harm..
@yen:
oo nga eh, 3 days na lang bago magbotohan pero marami pa ring mga problemang nakikita hanggang ngayon. hay naku! tama ka, we must pray for the success of our election.
@kim:
yes yes... i really want to change that habit of mine. if i want other people to change, it must be started within myself. :)
thanks.
Post a Comment